Mother Sitang, Sinagot Na Ang Invitation Ni Direk Darryl Yap! Handa Ng Gumanap Bilang Si?

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely
Naging mainit na usapin sa social media ang invitation ng controversial director na si Direk Darryl Yap sa Thailand social media personality na si Mother Sitang.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post inanyayahan ni Direk Darryl Yap si Mother Sitang na mag special participate sa kanyang pangatlong pelikula na Mabuhay Aloha Mabuhay. Kasunod ito sa kasalukyang ginagawang pelikula ngayon na Martyr o Murderer.

Ayon kay Direk Darryl Yap, isang mahalagang papel ang gagampanan ni Mother Sitang sa Pelikula. Sinabi rin ng Director na magdala ito ng mga pink outfits.

Bagama't hindi naman pinangalanan ni Darryl Yap kung ano ang magiging papel nito. Alam na ng lahat base sa pink outfits na ang papel ng dating vice- President na si Leni Robredo ang tinutukoy ni Direk Darryl.

Matatandaang naunang ibinahagi ni Direk Darryl Yap na naghahanap na siya ng mga artista na nababagay sa mga roles ng kanyang pangatlong Pelikula.

Samantala, sa isang Facebook post ibinunyag ni Darryl Yap na nakakuha na siya ng sagot mula kay Mother Sitang.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo