Aira Mae Lipata, Pinapakanta ng Zebbiana sa CDO!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Kumakalat ngayon sa social media ang isang video clip kung saan makikitang nagpeperform si Aira Mae Lipata.

Sa nasabing clip, tinanong ni Aira Mae ang kanyang kasamahan kung ano ang susunod nilang kakantahin. Maririnig naman na isinigaw ng audience na Zebbiana naman ang kantahin nito.

Magalang namang tinanggihan ni Aira Mae ang audience at sinabing sa susunod na lamang niya ito ipeperform, dahil may naka line up naman nang mga kanta para sa event.

Matatandaang naging controversial si Aira Mae matapos ituro bilang third party sa naging hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake. Agad din namang nagtapos ang relasyon nito kay Skusta Clee sa di sinabing dahilan.

Samantala, nagpapasalamat pa rin si Aira Mae dahil may nagmamahal pa rin umano sa kanya at nagustuhan ang kanyang mga ginagawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo