Magkamukha Talaga sina Alden Richards at Joshua Garcia | Parang Brothers | 9 Pagkakatulad Nila

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Sparkle

 


May pagkakahawig daw sina Alden Richards at Joshua Garcia. Isang taon pa lang nakilala si Joshua Garcia nang mapansin ng fans ang kanyang malaking pagkakahawig sa tinaguriang pambansang bae na si Alden Richards. Samantala, maraming commonalities sina Alden at Joshua. 

1. Parehong kaakit-akit, guwapo at charismatic ang mga aktor.

2. In-demand din silang mga celebrity endorsers ng malalaking brand. Sila na yata ang nangungunang celebrity main endorsers sa bansa ngayon.

3. Parehong mahusay umarte.

Nanalo si Alden bilang best actor sa 14th Seoul international drama awards noong 2019.

Samantala, sa kanyang ikapitong taon bilang aktor, napatunayan ni Joshua ang kanyang kakayahan sa pag-arte. Nakatanggap na siya ng maraming acting awards.

Ang mga direktor ng pelikula, mga kasamahan sa industriya, mga producer at mga fans ay hanga sa kanyang istilo ng pagganap sa malaking screen at sa telebisyon.

4. Parehong patok sa mga babae sina Alden at Joshua.

Tinawag na pambansang Bae si Alden. Samantalang si Joshua ngayon ay crush ng bayan at tinatawag na TikTok king.


5. Pareho silang galing sa mahihirap na pamilya.

Sinabi ni Alden na nahihirapan siyang makapag-aral ng kolehiyo dahil sa pinansyal na dahilan.

Si Joshua naman ay halos pareho ang background. Huminto din siya sa pag-aaral dahil nahihirapan ang kanyang ama na maipaaral ang kanyang dalawang anak.

Kaya ipinaubaya niya ito sa kanyang ate.

6. Sa kabila ng kani-kanilang tagumpay, nananatiling grounded at level headed sina Alden at Joshua. Lahat ng tao sa paligid nila ay nagpapatunay kung gaano sila kabuti.

7. Pareho silang magaling sumayaw.

Napupuno ni Alden ang mga concert venue sa Pilipinas at sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw.

Naging TikTok king si Joshua dahil sa kanyang astig na dance moves.

8. Kahit sa murang edad, certified businessman na ang dalawa dahil sa mapait na karanasan sa kanilang kabataan, parehong matalino sa pera at marunong magplano para sa kinabukasan.

9. Pareho silang naging prinsipe ng Philippine movies at TV awardees ng Guillermo Mendoza memorial scholarship foundation, GMMSF. 

Natanggap ni Alden ang kanyang award noong 2017. Si Joshua ang nagwagi noong 2018 at 2019. 

Ang pagkakatulad nina Alden at Joshua ay hindi lang nagbabase sa kanilang hitsura. Agree ba kayo na parang magkapatid ang dalawang super idol?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo