Joey De Leon Aktibo Pa Rin ang S3x Life Sa Edad Na 76?

Miyerkules, Disyembre 14, 2022

/ by Lovely

 

Sa naganap na press conference para sa pelikulang My Teacher, naitanong kay Joey De Leon kung nais pa ba niyang magkaroon ng lovelife sa kanyang edad ngayon. Naitanong din sa beteranong host kung kaya pa ba niyang makipag-make love?

Hindi kaagad nakasagot si Joey at muling pinaulit ang katanungan. Tanong ulit, “Do you believe that it’s not too late to fall in love and to make love at the age of 76, kaya pa ba?”

“Yung totoo, fall in love yes, pero ‘yung make love? Wala na, holding na lang, whatever,” sagot naman ng komedyante.

Sa nasabi ring panayam, nagreklamo si Joey De Leon kung bakit kulang ng tatlong posters bilang promotion ng pelikulang kalahok sa MMFF ang naikabit ng MMDA sa kahabaan ng Quezon Avenue.

“Pero wala yung tatlong pelikula ‘yung kay Coco Martin, Labyu with an Accent, kay Vice Ganda (Partners in Crime) at saka yung sa atin. Hindi ko nakita. Yung nandu’n sa anak ko, kay Ian Veneracion, ‘yung ‘Nanahimik ang Gabi, ‘yung Deleter, yung sa Family Matters, ‘yung My Father, Myself. Paulit-ulit sila, siguro tig-tatlo, tig-apat ‘yung nakita ko. Pero wala ‘yung tatlong pelikula. Ako ho ay nagsusumbong. Bakit, Direk, bakit wala tayo? E, baka hindi pa nakabit,” paliwanag ni Joey.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo