Janno Gibbs, May Hugot Matapos Mabalitaang Magnenegosyo Ang Friend Na Hindi Nagbayad ng Utang!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng singer na si Janno Gibbs na magbigay ng kanyang opinyon hinggil sa nabalitaan niyang pagpapatayo ng negosyo ng kanyang kaibigan na hindi nagbayad ng utang sa kanya.

Hindi naman niya pinangalanan kung sino ang 'kaibigan' na tinutukoy niya sa post.

"Yung nabalitaan mong magtatayo ng negosyo ang friend mo; pero di pa nagbabayad ng utang sayo." caption ni Janno sa kanyang post.

Dagdag pa niya, dapat ay bayaran muna siya nito bago magnegosyo.

Agad namang nagbigay ng kani-kanyang mga komento ang ilang mga netizens. May mga sumang-ayon kay Janno at sinabing kailangan talagang magbayad muna ang nasabing friend.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo