Ivy Lacsina Sasamahan si Deanna Wong sa Lahat Ng Laban!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


Nagpahayag ng kanyang pagsuporta si Ivy Lacsina para sa kanyang karelasyon na si Deanna Wong sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersiya ngayon.

Kasalukuyang nagbabakasyon ngayon ang dalawa kasama ng ilang mga kaibigan sa El Nido, Palawan.

Nauna nang nagbahagi si Deanna ng isang larawan kasama si Ivy na tila walang pakialam sa mga komentong natatanggap mula sa kanyang mga bashers dahil sa pagiging snabera umano niya at ng buong team nila.

Samantala, tila nangangako naman ang girlfriend ni Deanna na si Ivy Lacsina na hindi niya pababayaan sa anumang kinakaharap na laban sa loob at sa labas ng court.

“To my adi, maraming nangyayari ngayon pero tandaan mong andito lang ako para samahan ka sa lahat ng laban mo. Always proud of you! I’m always here for you at yung mga totoong nagmamahal sa’yo at nakakakilala sa’yo! I wav you!” mensahe ni Ivy para kay Deanna.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo