Isang Sikat na Personality Hindi Marunong Magbayad ng Utang!

Miyerkules, Disyembre 28, 2022

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang isang blind item kung saan may isang sikat na personality umanong limang taon nang hindi nagbabayad ng utang.

Sunod-sunod naman umano ang mga proyekto ng personality na ito sa taong 2021 at 2022 subalit hindi man lang nito binayaran ang perang inutang sa isang kaibigan noong siya ay labis na nangangailangan.

Ang masaklap pa'y kailangan na ng kaibigang ito ng pera subalit hindi nito alam kung may balak pa bang magbayad ni sikat na personality. Masamang-masama na din ang loob nito dahil sa pambabalewala sa kanya ng dating kaibigan.

Ilang beses na rin umanong sinubukan ng lender na kontakin si money borrower subalit nagbibingi-bingihan lamang ito. Ang masaklap pay naka-block na ngayon si lender sa lahat ng social media account ni Borrower.

Sa ngayon ay labis na pinagsisihan umano ni Lender na nagtiwala siya sa kaibigan at naniniwalang hindi nito tatakbuhan ang utang. Naawa din umano siya dahil labis itong nagmamakaawa sa kanya noong nangangailangan ito ng pera.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo