Heaven Peralejo, Umamin Na Posibleng Mahulog Kay Ian Veneracion!

Huwebes, Disyembre 15, 2022

/ by Lovely


Sa naganap na media conference para sa pelikulang 'Nanahimik Ang Gabi' na kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Inamin ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na kung binata pa lamang ang leading man niya na si Ian Veneracion sa pelikulang “Nanahimik ang Gabi”,paniguradong mai-inlove siya rito.

“With all the qualities that he (has), I think kung binata siya, yes. Let’s see,” pag-amin ni Heaven.

Samantala, sinabi naman ni Ian Veneracion na hindi na kailangan pang maging sugar baby si Heaven dahil hindi siya nababagay sa level na iyon.

“Naisip ko kung binata ako, maging sugar baby kita, hindi. Hindi kailangan. Hindi ka naman pang-sugar baby eh,” pahayag naman ni Ian.

Ginagampanan, ni Heaven Peralejo ang papel ng kabit ni Ian Veneracion sa pelikula. Nilinaw naman ni Ian Veneracion na walang dapat ipag-aalala dahil ginawa lamang nila ang kanilang mga maiinit na tagpo base sa nakasulat sa script at walang personalan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo