Heart Evangelista, Tinuldukan na Ang Isyung Hiwalayan nila ni Chiz Escudero!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Matapos ang ilang buwang espekulasyon sa totoong estado ng relasyon nina Heart Evangelista at Chiz Escudero, tinuldukan na ng Kapuso actress at fashion socialite Heart Evangelista ang isyu tungkol sa hiwalayan umano nila ng mister na si Senador Chiz Escudero. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Heart na uuwi siya sa Pilipinas para sa pagdidiriwang ng Bagong Taon. "Living between 2 worlds Paris and Manila 2 clocks in one @philipsteinph walking around Paris before heading home for New Year," caption ni Heart sa kanyang Instagram post. Sa huli naglagay si Heart ng PS at itinag ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero. "Ps See you soon @escuderochiz 🤍" Matatandaang nag-ugat ang isyung hiwalay na sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista noong buwan ng Agosto taong kasalukuyan ng mapansin ng ilang mga netizens ang pananamlay ng dalawa sa dinaluhang SONA at GMA GALA Night. Kasunod nito ang pagbura ni Heart sa apelyido ni Chiz Escudero sa kanyang Instagram profile. May nakapansin din umanong hindi na sinusuot ni Heart ang wedding ring nila ng Senador.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo