Deanna Wong, Itinaboy Ang Isang Tagahangang Lumapit!

Linggo, Disyembre 25, 2022

/ by Lovely


Muli na naman napasok sa isang kontrobersiya ang volleyball player na si Deanna Wong, matapos kumalat ang isa na namang video kung saan may itinataboy umano siyang isang tagahanga.

Kumakalat ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang video kung saan itinataboy umano ni Deanna Wong ang isang binatilyong tagahanga na lumapit sa kanya sa Cebu.

“At totoo ang chismis. Kayo na ang humusga PERIOD!” caption ng nagbahagi nito sa social media na si Adrian Vasaya Abejuela.

Sa video makikita ang paglapit ng isang binatilyo kay Deanna Wong habang nasa isang mesa ito. Subalit, ayon sa video ay itinaboy umano ng volleyball player ang lumapit na binatilyo.

Agad namang umalma ang mga tagahanga ni Deanna at ipinagtanggol ito. Ayon sa kanila sadyang nagpapapansin lamang umano ang uploader upang magkaroon ng followers at views. Hinamon pa nila ito na huwag i-delete ang nasabing video.

Nanawagan pa ang ilan na i-report ang page na nagpapakalat ng mga maling impormasyon.

“Sa lahat ng supporter ni Boss D, paki-report na lang ng post na ito. Wag n’yo na patulan ‘yan. Kulang lang sa pansin ‘yan. Report na lang para hindi na kumalat salamat.”

“Hahaha REPORT done, walang magawa sa buhay eh ano? Papansin lang talaga kayo… kailangan talaga lumuhod si DEANNA WONG sa mga kagaya n’yo… ang hangin ng mga utak.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo