Cristy Fermin Kailangan nang Magpahinga sa Showbiz Sa 2023!

Huwebes, Disyembre 29, 2022

/ by Lovely


Isa sa mga hinulaan ng Tarot card reader na si Mamu Gloria Escoto ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin.

Inilahad ni Mamu Gloria Escoto na tila nag-iipon ngayon si Manay Cristy Fermin na agad namang ikinatuwa ni Romel.

Subalit bigla na lamang natigilan si Mamu dahil may lumabas na death card.

“Sa cards niya ina-advice nito na next year siyempre ayoko siyang magalit o malungkot na puwede siyang mag-quit, kailangan na niyang magpahinga. Kailangan na niyang i-enjoy ika nga, ‘yung buhay niya bilang isang simpleng tao dahil hindi natin alam kung ano ang posibleng mangyari sa ating future di ba, o sa mga susunod na buwan. Pero dito sa cards niya kasi ay puwede siyang tamaan ng isang sakit. Since close ka sa kanya pakisabi na lang mag-ingat siya lagi."

Pinayuhan din ni Mamu si Cristy Fermin na mag-ingat dahil may posibilidad umano na may makaaway itong mas bata pa sa kanya.

“Kaya lang marami siyang iniisip ngayon, so, kung ako kay manay ay ‘wag na siyang mag-isip, sumunod na lang siya sa agos.  ‘Wag siyang magpaka-stress,” pagpapayo pa nito kay Manay Cristy Fermin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo