Camille Ann Miguel Binalikan Ang Pag-uusap Nila ni Jovit Baldivino sa ER Bago Ma-coma!

Huwebes, Disyembre 15, 2022

/ by Lovely


Tila hindi pa rin natatanggap hanggang ngayon ng fiancee ni Jovit Baldivino ang kanyang tuluyang paglisan.

Pumanaw si Jovit Baldivino noong December 9, 2022 dahil sa brain aneurysm. Nailibing naman ito sa  Paradise View Memorial Garden sa Batangas nitong December 14, 2022.

Samantala, sa latest Facebook post ni Camille Ann, muli niyang binalikan ang naging usapan nila ni Jovit sa ER ng isugod ito mula sa event na dinaluhan sa Batangas noong December 3, 2022.

Ayon kay Camille, humingi pa sa kanya ng tawad si Jovit dahil sa pagsuway sa kanyang utos at nang doktor na huwag munang kumanta habang nagti-take pa rin ng gamot at nagpapagaling mula sa hypertension.

“PAG DATING MO SA ER DBA SORRY KA NG SORRY SKEN KASE SINUWAY MKO NA WAG KA KAKANTA SABI MO WAG KITA PAGALITAN KHT STROKE KNA YUNG GALIT KO PDN INIINTINDI MO KHT STORE KNA NAPUNASAN MO PA LUHA KO AT SINABING LALABAN KA AT HINTAYIN KITA KASE MAGPAPAKASAL NA TAYO ANG SAKIT LOVE KO ANG DAMI MONG PLANO PARA STEN DALAWA,” pahayag ni  Camille sa kanyang post.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo