Alex Gonzaga Muling Tinakot sina Mikee Morada at Mommy Pinty Sa Kanyang Vlog!

Linggo, Disyembre 11, 2022

/ by Lovely


Muli na namang inaliw ni Alex Gonzaga ang kanyang mga tagahanga sa kanyang latest vlog sa kanyang Youtube channel.

Walang kaalam-alam sina Mommy Pinty, Mikee Morada at Daddy Boknoy sa binabalak na prank ni Alex. Buong akala lamang nila na normal eating spicy food challenge lamang ang kanilang gagawin.

Habang ginagawa nila ang eating spicy food challenge, wala sila kaalam-alam na pekeng isda pala ang ibinigay sa kanila ni Alex.

Labis namang nagulat si Mikee at Mommy Pinty at napasigaw pa ang mga ito ng gumalaw ang isda sa pagtusok nila ng tinidor.

Agad namang umani ng samu't saring opinyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing vlog ni Alex. Marami sa kanyang mga tagahanga ang labis na naaaliw sa mga pagpa-prank ni Alex sa kanyang pamilya.

Subalit hindi naman nawala na may ilan ding netizens ang hindi nagugustuhan ang mga pinaggagawang ito ni Alex lalo na sa kanyang Mommy Pinty at asawang si Mikee Morada.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo