Muling naging emosyunal si Zeinab Harake sa kamakailang panayam rito ni Boy Abunda. Inamin ng social media personality na 'lost' pa rin siya hanggang ngayon at humuhugot na lamang ng lakas mula sa kanyang mga anak.
Inamin ni Zeinab Harake sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na feeling lost pa rin siya hanggang ngayon.
"Kaya ko pong maging okay, kaya ko rin pong damdamin nalang lahat ng dinadala ko talaga," pag-amin ni Zeinab.
Sa tanong naman kung napatawad na ba niya ang dating karelasyon na si Skusta Clee, nanatili ang kanyang sagot sa mga nauna na niyang mga interview noon.
Ayon kay Zeinab, nasa kanya na lamang kung papatawarin niya bang muli si Skusta Clee.
Matatandaang, nagkasunod-sunod ang kontrobersiyang kinaharap ni Zeinab Harake nitong mga nakaraang buwan. Una na rito ang pagkalaglag ng kanyang anak na si Baby Moon, sinundan ng hiwalayan nila ni Skusta Clee.
Nito lamang ding nagdaang buwan, naglabas ng rebelasyon si Wilbert Tolentino tungkol sa kanyang pambabackstab sa iba pang social media personalities.
Sa sunod-sunod na dagok na naranasan ni Zeinab Harake ang kanyang pinanghuhugutan na lamang ng lakas ang kanyang mga anak.
"Totoo 'yung kasabihan na kapag pagod na pagod ka na, iyak ka na ng iyak pero 'pag tiningnan mo yung mga baby mo parang, kaya ko... kaya ko!"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!