Lolit Solis Sinabing Hindi Isyu Kung Mukhang Tito Ni Julia Barretto Si Gerald Anderson!

Biyernes, Nobyembre 18, 2022

/ by Lovely


Nagbahagi ang veteran showbiz columnist na si Lolit Solis sa kanyang opinyon tungkol sa pang-iisyu ng ilang mga netizens sa matured look ni Gerald Anderson.

Mas maganda umano ayon kay Manay Lolit Solis na mas matured ang lalaki kaysa sa babae at maganda umanong tingnan ang ganoon.

"Bakit ba issue na ginagawa iyon pagiging mukhang mature ni Gerald Anderson kay Julia Barretto, Salve? So what kung mas mukhang tito ni Julia si Gerald eh dapat naman talaga na mas mukhang matanda ang lalaki sa babae. Mas maganda na iyon kesa mas mukhang mature ang babae sa lalaki. Mas bagay nga na gumaganda lalo ang isang babae sa piling ng partner niya, dahil ibig sabihin happy lady siya. Baka happy sobra si Julia kay Gerald kaya lalo siya gumanda. Bonggang Gerald na maalaga sa kanyang lady love," post ni Manay Lolit sa kanyang Instagram account.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo