Yassi Pressman Inamin Ang Pagiging Fan Kay Anne Curtis!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


Masaya si Yassi Pressman nang malamang naging inspirasyon siya sa kanyang mga tagahanga. Subalit, isiniwalat din niya na siya ay kumuha rin ng inspirasyon mula sa ibang artists.

Ibinahagi ni Yassi Pressman sa isang panayam hinggil sa pagkapili sa kanya na bagong calendar girl ng Ginebra sa darating na taon.

“I love Ate Anne (Curtis) so much. She is a person that has a lot of values aside from talent, aside from beauty. She’s been here for so long, ibig sabihin patuloy niya lang ginagalingan at pinupursigihan ang trabaho niya. So I really respect people like that,” pahayag ni Yassi.

Matatandaang si Anne Curtis ang naging calendar girl ng Ginebra noong 2021.

Ibinahagi naman ni Yassi ang kanyang journey upang ma-achieve ang magandang pangangatawan. Ayon kay Yassi kailangang niyang mag-let go at bitawan ang mga pressure upang mapanatili ang kanyang pangangatawan.

Nagbigay naman ng ppayo si Yassi Pressman sa mga tagasubaybay na hindi kinakailangang magbahagi ng “big things” upang magsilbing role model para sa iba. 

“Pwedeng mga kalokohan lang, you know, little things. Sayang eh, we reach so many people na.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo