Valentine Rosales Nais Sumali Sa Darna Nais Gampanan Ang Pagiging Black Darna!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


Ipinahayag ng online personality na si Valentine Rosales ang pagnanais na makasama sa inaabangang TV series ng ABS-CBN, ang Mars Ravelo's Darna. Kung saan tampok ang magagaling na Kapamilya Stars na sina Jane De Leon, Janella Salvador at Joshua Garcia.

Nauna na nang naibalita ang pagpasok sa season 2 ng Darna. Agad nagkomento si Valentine at ipinahayag na nais niyang sumali sa teleserye bilang Black Darna.

“Fan ako ng Darna! Pangarap ko maging villain ng Darna kasi unique mga skills nila and lagi may touch of Filipino society ang eksena nila, sana magkaroon ng kontrabida na parang marites yung nakaka mind read tas sasabotahin niya si Darna, gagawan niya mga chismis, ganun,” excited na pahayag ni Valentine.

Mas bet umano ni Valentine na gumanap bilang Black Darna dahil hindi na umano nito kailangan pang lumunok ng bato at in-born na rin ang talent at skills.

Noong 2005, huling gumanap si Katrina Halili bilang Black Darna sa pag-ere ng nasabing palabas sa GMA7.



Marami na rin ang nasasabik sa pagpapalabas ng season 2 ng Darna lalo pa't madadagdagan ang mga karakters na gaganap rito. Nauna nang naiulat na mapapanood na si Enchong Dee sa Darna.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo