RR Enriquez, Nakisawsaw Na Rin Sa 'Relasyon' Nina Paolo Contis at Yen Santos!

Huwebes, Nobyembre 24, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na ng opinyon si RR Enriquez hinggil sa 'pag-amin' nina Paolo Contis at Yen Santos sa kanilang relasyon.

Matatandaang ilang buwan nang usap-usapan ang pagkakaroon nila ng romantic relationship. Subalit, pinabubulaanan nila ito at sinabing 'friends' lamang sila.

Ayon kay RR Enriquez, time is the ultimate truth teller.

"Time is the ultimate truth teller kaya naman kayo na ang bahalang humusga... Kayo na ang bahalang mag-isip kung tama ba ang ating mga haka-haka. Kung tama ba ang ating pag-o-overthink dito sa dalawang 'to. I think sa ngayon, hindi na tayo mag-o-overthink kasi sa ngayon lumantad naman sila."

Sinabi rin ni RR na sa panahon ngayon, tila mahirap nang humanap ng taong makukuntento sa iisa. Lalo na't may mga lalaki at babae na sadyang malalandi.

"Sa panahon ngayon, ang hirap talagang makontento ng isang tao. And hindi mo rin maiiwasan na may babaeng malandi may lalakeng malandi. Babaeng cheater, lalaking cheater. Babaeng mahilig maglaro sa apoy, Lalaking mahilig maglaro sa apoy. Babaeng natukso, Lalaking natukso. Hindi na natin 'yan maiiwasan sa panahon ngayon."

Nagbigay din ng payo si RR sa dalawa na dapat nilang humingi ng tawad kay LJ Reyes.

"Maybe one day. Matuto silang mag-apologize kay LJ Reyes. And masarap talaga sa pakiramdam na minsan nagha-humble down ka talaga."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo