Robi Domingo at Maiqui Pineda Engaged Na!

Sabado, Nobyembre 5, 2022

/ by Lovely


Isang masayang balita, usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol proposal ni Robi Domingo sa kanyang long time girlfriend na si Maiqui Pineda.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, naganap ang sweet proposal ni Robi sa kilalang Shibuya crossing sa Tokyo, Japan nitong byernes November 4, 2022. Agad naman itong tinanggap ng kanyang girlfriend.

Kasalukuyang nagbabakasyon sina Robi Domingo kasama ng kanyang mga kaibigan sa Tokyo, Japan.

Matatandaang noong buwan Mayo, naisiwalat ni Robi ang kanilang future plans ng kanyang girlfriend.

Ayon kay Robi, “We’ve been talking about it for some quiet time now. Lalong-lalo na we are not getting any younger and ‘yun naman na ‘yung inaayos ko ngayon. In the coming years, you would be one of the first people who would know kung I would be bending the knee. I am so excited for that one.”

Dagdag pa nito, “Ang paniniwala ko: love is serendipitous. Kapag dumating ‘yung tamang tao sa tamang panahon, for me ‘yon ang perfect love. Kasi pwedeng dumating ‘yung tamang tao, pero marami ka pang kagustuhan before or iba ‘yung priorities mo, responsibilities mo. May mga gusto ka pang maabot sa sarili mo lang. That’s okay. Tapos may dumarating din na pagkakataon pero hindi naman siya ‘yung perfect na tao, ‘yung tamang tao para sa iyo.” 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo