Paolo Contis at Yen Santos Nakakatanggap Ng De@th Thr3ats!

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


 Sa latest episode ng Cristy Ferminute, muling tinalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika ang 'relasyon' nina Paolo Contis at Yen Santos.

Pinag-usapan nila ang tila pag-amin na ng dalawa sa kanilang relasyon matapos hayagang ipinabatid sa publiko na magkasama sila nitong mga nagdaang araw sa pagdiriwang sa kaarawan ng aktres.

“At kung noon po ay sinasabi nila sila'y nagkakasama dahil sa pagiging mag-friends lang, ano na ngayon?” tanong ni Manay Cristy kay Romel Chika.

“Ngayon, lantaran na. Ayan, ang dami nang picture. Kaya naku sa mga comment section ng kanilang mga pino-post, eto na. May mga talagang siguro hindi na nakapagpigil na kung ano-ano na ang mga sinasabi,” sagot naman ni Romel.

Dito na isiniwalat ni Manay Cristy na may mga death threats ring natatanggap ang dalawa. Kaya naman pinapayuhan niya si Paolo na i-turn off ang comment section ng kanyang mga post upang maiwasan ang stress.

“Alam mo ginawa ni Paolo? Isinarado niya 'yung comment section. Pinakatama pong paraan. Kung ayaw mong ma-stress, kung ayaw mong mag-alala at masaktan sa mga sinasabi tungkol sa'yo, laban sa iyo, isarado mo ang comment section.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo