Herlene Budol Tinapos Na ang Kanyang Pageant Stint?

Miyerkules, Nobyembre 23, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang post ni Herlene Budol aka Hipon Girl.

Ibinahagi ni Herlene Budol sa kanyang Facebook post ang picture niya noon sa Bb. Pilipinas kalakip ang caption na, "The End" with sad emoji at bandera ng Pilipinas.

Agad namang hinulaan ng mga netizens ang ibig iparating ni Herlene. Ito ay ang pagtigil niya sa pagsali sa mga pageant sa loob at labas ng bansa.

Agad naman nagpaabot ng mga mensahe ang kanyang mga tagahanga at pilit na pinapasaya ang beauty queen dahil sariwa pa ang naganap sa sasalinan sanang pageant nito sa Uganda.

Matatandaang, nag-withdraw na ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino sa Ms. Planet International kasunod ng mga aberya na naranasan nila sa Uganda.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo