Netizens, muling pinagkatuwaan ang ‘Salazar sisters’! "Buti pa si Bobbie may bahay na sa Spain!"

Martes, Nobyembre 22, 2022

/ by Lovely


Kasunod ng pagbabalita ng aktres na si Bea Alonzo na isa na siyang legal resident ng Spain at nakakuhan ng Golden Visa sa pamamagitan ng RBI.

Muling inungkat ng ilang mga netizens ang pamusong pelikula noon nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Shaina Magdayao at Enchong Dee na 'Four Sisters And A Wedding'.

Ginampanan ni Toni Gonzaga ang papel ni Teddie habang papel ni Bobie naman ang ginampanan ni Bea Alonzo.

Nagsimulang magkagulo ang lahat matapos aminin ni Teddie na hindi totoong kumukuha siya ng masteral sa Spain kundi isa siyang katulong doon.

Muling binalikan ng mga netizens ang mga naging memes sa pelikula.

Komento ng isang netizen, “Buti pa si Bobbie may bahay at residente na sa Spain… si Teddie kaya?”

Dagdag pa ng isa, “Bakit parang kasalanan pa ni Bobbie na mayaman siya at afford na magkaroon ng property sa Spain at maging residente doon?”

“Ano kayang masasabi ni Teddie na naungusan na naman siya ni Bobbie? Hahaha.” sey naman ng isa pa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo