Lolit Solis, Puring-puri ang Aura ni Julie Anne San Jose!

Biyernes, Nobyembre 25, 2022

/ by Lovely


 Sa isang mahabang Instagram post ibinahagi ni Manay Lolit Solis ang kanyang papuri para sa aktres-singer na si Julie Anne San Jose.

“Ang ganda ganda ngayon ni Jullie Anne San Jose, Salve. Parang blooming at talagang nasa kanyang best year sa looks ang dalaga. Iba ang aura niya at ningning sa bawat oras na napapanuod ko siya sa TV.”

May hinuha pa si Manay na inlove ito kaya kapansin-pansin ang pagiging blooming nito. Lalo na sa teleseryeng kinabibilangan nito ngayon kung saan ginagampanan niya ang papel ni Maria Clara.

“Ewan ko kung talagang in love ngayon si Jullie Anne o talaga lang nag aayos na siyang mabuti ngayon, pero sa tutoo lang ibang iba ang kanyang presence sa ngayon. Kung pinapanuod nyo siya sa Maria Clara at Ibarra talagang makikita mo ang malaki niyang pagbabago.”

Ibinahagi din Manay Lolit Solis na may darating na concert si Julie Anne at makikita rin umano sa performance nito na talagang nag-level up na ito ngayon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo