Lolit Solis Napahanga at Na-Cute-an Kay President Bongbong Marcos!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely

 


Nagbigay ng opinyon ang veteran showwbiz columnist na si Lolit Solis sa naging katangian ng pangulo na Pilipinas na si President Bongbong Marcos.

Ayon kay Manay Lolit Solis, labis siyang humanga sa taglay na galing ni PBBM sa larangan ng pagtatalumpati.

“Ang galing mag speech ni PBBM. Kahit ambush o pinaghandaan interview maganda niya napapaliwanag ang mga bagay bagay,” pahayag ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post.

Napansin din umano ni Manay na hindi banidoso si President Bongbong Marcos. Very cute din umano ito at tila hindi mahirap lapitan.

"Alam mo Salve na sa lagi ko panunuod ng news isa ang napansin ko. Ang galing mag speech ni PBBM. Kahit ambush o pinaghandaan interview maganda niya napapaliwanag ang mga bagay bagay. Napansin ko din na hindi siya banidoso. Iyon bang kung minsan lumilipad ang buhok niya sa likod na parang hindi nasuklay. Na hindi niya pansin ang hitsura niya. Cute ha. Kasi nga siguro dahil bata siya at talaga naman eversince cute na kaya very confident sa hitsura niya. Kasi nga ang gandang tignan na para lang one of the guy ang ating Presidente. Very approachable tignan. Bongga President Bongbong Marcos. Very cute."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo