Ian Veneracion at Heaven Peralejo, Tuwang Tuwa Sa Nakitang Teaser Ng Kanilang Pelikula! Heaven, Hindi Na Baby!

Linggo, Nobyembre 6, 2022

/ by Lovely


Labis na nasiyahan sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo sa nakitang teaser ng kanilang pelikulang Nananahimik ang Gabi. Ang kanilang pelikula ay isa sa mga entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

Sa nasabing teaser ipinakita ang tila palihim na relasyon nina Heaven at Ian. Ipinakita din ang mainit na kissing scene ng dalawa na ikinangiti naman ni Heaven na tila kinikilig.

Agad na nagfist-bump ang dalawa matapos ang pinanood na teaser at humirit na ulitin ang video.

“Parang ‘di ka na baby diyan,” saad ni Ian kay Heaven.

“Alam mo, sobrang gwapo mo diyan,” pahayag naman ng aktres.

Inamin rin ni Heaven na labis siyang humahanga sa veteran actor na nakatambal niya sa pelikula.

Matatandaang noon pang July ibinahagi ni Heaven na excited siya sa pagkakaroon nila ng pelikula ni Ian Veneracion. Alam naman umano nila sa una pa lang na may mga intimate scenes silang gagawin sa nasabing movie dahil kailangan ito sa kwento.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo