Kuya Kim 'Pinagtawanan' Ang Nangyaring 'Boxingball' Sa NCAA!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


Bagama't seryoso ang naganap na insidente sa NCAA, tila nakuha pa ng ilang mga netizens na gawing goodvibes ang nakatawang larawan ni Kuya Kim sa isang advertisement ng morning show sa GMA7 na Tiktoclock.

Naging mainit ang basketball court nito lamang sa NCAA dahil sa panunugod at pananapak ni Jhon Amores Jose Rizal University Heavy Bombers sa dalawang myembro ng kalabang team College of Saint Benilde Blazers na sina Jimboy Pasturan at Taine Davis.

Nagsilbing bloopers ang nakatawang mukha ni Kuya Kim sa gitna ng pagiging 'boxingball' ng laro. Kitang-kita kasi sa background na tila pinagtatawanan ni Kuya Kim ang insidenting nagaganap.

“Tuwang-tuwa ka naman sa nangyari Kuya Kim wag ganon AHAHAHAHAHHA,” caption ng isang netizen kalakip ang screengrab kung saan makikita ang mukha ni Kuya Kim.

Agad naman itong nakarating kay Kuya Kim at ni-reshare ang nasabing post at sinabing 'hahaha natawa ako'.

Sa comment section, nagpa-survey pa si Kuya Kim kung kailangan na bang i-ban si Amores sa NCAA. Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na may sinapak si Amores sa kalagitnaan ng laro.

Samantala, ayon sa isinagawang imbestigasyon ng NCAA Management Committee hinggil sa naturang insidente. Nagdesisyon na ang NCAA Committee na patawan ng indefinite suspension si Amores sa paglalaro dahil sa insidente ng pananapak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo