Carla Abellana Sinabing May Mga Bagay Na Hindi Kayang Baguhin Sa Naging Relasyon Nila Ni Tom Rodriguez!

Miyerkules, Nobyembre 9, 2022

/ by Lovely


Tila handa nang pag-usapan ng aktres na si Carla Abellana ang kanyang mga natutunan sa naging relasyon nila ng aktor na si Tom Rodriguez.

Matatandaang naging laman sa mga pahayagan ang kontrobersiya sa pagitan nila ni Tom nitong mga nagdaang mga buwan. Sa kabila naman nito, nanatiling tikom ang bibig ng dalawa hinggil sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ayon kay Carla, minsan sa buhay may mga pangyayari talagang hindi inaasahan kahit gaano pa pinagplanuhan. Talagang hindi malalaman ang susunod na mangyayari sa buhay ng tao.

Aniya, “We will never know kung ano ang mangyayari. We may make plans, see everything, sometimes life just hits you. Hindi mo talaga alam what will happen tomorrow. What you have is just today. No matter how everything is organized or laid out, there are times na unpredictable ang buhay.”

Ibinahagi rin ni Carla ang kanyang realization sa pinagdaanang low point ng kanyang buhay. Kung saan, tanging ang sarili lamang umano niya ang tunay na maaasahan.

Sa huli ibinahagi ni Carla ang kanyang saloobin hinggil sa kanyang mga pinagdadaanan.

Aniya, “One day at a time. Wala tayong magagawa, that’s part of life. Hindi laging masaya. Hindi laging tumatawa o nakangiti. Whether you are alone in life or with somebody, a complete family, may times na things happen na ganon talaga. Wala tayong magagawa kundi tanggapin yun. There are certain things and people we cannot change. Siguro yung how you react to it na lang.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo