Kakay Bautista Sinabing Wag Nang Manganak Kung Di Kayang Buhayin!

Miyerkules, Nobyembre 2, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng prangkang pahayag si Kakay Bautista sa kanyang Facebook account tungkol sa isa sa mga kontrobersiyal na isyu ng bansa.

Nagbigay ng direktang payo si Kakay Bautista tungkol sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa.

Direktahang payo ni Kakay, “’Wag kang mag-anak kung hindi mo kayang buhayin. Maawa ka sa batang hindi makakain nang tama, makakapag-aral nang tama at hindi mo mabibigyan ng magandang future dahil lang GUSTO mong magkaanak nang hindi mo plinano at pinag-isipan."

Hindi rin naniniwala si Kakay na isang kasalanan ang hindi pagkakaroon ng anak. Ang malaking kasalanan umano ay ang pag-anak ng hindi naman kayang buhayin at mabigyan ng magandang future.

Nagviral naman ang nasabing post, kung saan sinang-ayunan ito ng maraming mga netizens. Ayon sa kanila, dapat itigil na ang maling paniniwala na kailangan magkaroon ng maraming anak ang pamilya kahit pa walang kakayahan ang mga ito sa pagbibigay ng magandang kinabukasan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo