Jayson Gainza, Lumipat Na Sa GMA7, iniwan ang ABS-CBN!

Martes, Nobyembre 22, 2022

/ by Lovely

 

Pumirma na ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center nitong Martes, November 22 ang komedyanteng si Jayson Gainza.

Sa Instagram account ng aktor masayang niyang ibinahagi ang pagsisimula ng bagong yugto sa kanyang buhay.

“Sa bagong yugto ng buhay ko salamat @gmanetwork@sparklegmaartistcenter sa aking Manager kuya Darryl at sa handler ko @rappalvarez sa pagaasikaso sa akin. Sa mga boss ng @gmanetwork salamat sa tiwala,” saad ni Jayson.

Dagdag pa niya, “Maraming salamat din sa pinanggalingan kong istasyon @abscbn@starmagicphils kuya @alan_m_real #Mr.M @direklauren kung saan ako nagsimula malaki ang utang na loob konsa inyo salamat maraming salamat po.”

Bago pa man ang kanyang pagpirma ng kontrata, lumabas na si Jason sa ilang mga programa ng GMA network.

Samantala, present sa contract signing ni Jayson ang GMA executives na sina Annette Gozon-Valdez, Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support; Joy Marcelo, Assistant Vice President for Talent Management; at Lawrence Tan, Consulting Head for Talent Imaging and Marketing ng Sparkle.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo