James Reid Pinagbubura Na Ang Mga Larawan Nila Ni Nadine Lustre Sa Kanyang IG Account!

Biyernes, Nobyembre 25, 2022

/ by Lovely


Matapos ang mahigit dalawang taon ng hiwalayan ng noo’y power couple na sina James Reid at Nadine Lustre, nitong Miyerkules  November 23 sabay-sabay na pinagbubura ng aktor ang mga larawan ng dating kasintahan sa kanyang Instagram account.

Matatandaang, nauna nang binura ng aktres na si Nadine Lustre ang mga larawan nila ng dating karelasyon na si James Reid.

Kaya naman ayon sa mga nakapansing mga JaDine fans sa ginawang ito ni James Reid na talagang tinuldukan na nito ang pag-asa nilang magbabalikan pa rin sila sa huli.

Bagama't bahagi pa rin si Nadine sa Careless Music, ang record label ng aktor, binura din ni James Reid ang mga music projects ng aktres sa online page nito.

Matatandaang laman ng mga kanta sa latest album ni James ayon sa mga fans na isa itong open letter para sa dating nobya na si Nadine.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo