James Reid, Isiniwalat Ang Dahilan Ng Kanyang Paghinto Sa Pag-aaral!

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Isiniwalat ng singer-actor at talent manager na si James Reid ang dahilan ng kanyang paghinto sa pag-aaral sa Makati Science High School.

Tumagal lamang si James sa nasabing paaralan ng ilang buwan dahil hindi niya nagustuhan ang ginagawa sa kanya ng kanyang kaklase.

Ayon kay James Reid palagi siyang kinukunan ng larawan ng mga ito at ipinagbibili ito sa ibang mga tao. Nang malaman umano ito ay nakaramdam siya ng pagka-creepy kaya nagpasya na lamang siyang tumigil sa pag-aaral.

Nakaradam din umano siya ng awkwardness sa kanyang mga kaklase na palagi siya pinag-uusapan partikular na ang kanyang itsura.

“It’s not even bullying, I just felt so awkward. Some kids would take photos of me and sell them to the other kids. Every time I come to school, people would like, scream,” pagbabahagi ng aktor.

Marami naman ang nagulat sa rebelasyon ni James sa pag-aaral noon sa Makati Science High School bago pa makapasok sa Pinoy Big Brother kung saan itinanghal siya bilang big winner.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo