Heart Evangelista Inisnab Sina Alex Gonzaga at Vicky Belo Sa Milan Fashion Week!

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Tila nilaglag ni Alex Gonzaga at Dra. Vicky Belo si Heart Evangelista sa kanilang collab vlog kamakailan. Napag-usapan nina Alex Gonzaga at Vicky Belo ang kamakailang trip nila sa Milan Fashion week.

Naitanong ni Dra. Vicky kay Alex kung ano ang naramramdaman nito ng matanggap ang kanyang imbitasyon na magkasama sila rarampa sa Milan Fashion Week.

Ayon Alex feeling honored siya nang imbitahan ni Dr, Vicky para samahan siya sa Milan hindi lamang para rumampa sa naturang fashion event kundi makalibot din sa mga tourist destinations doon.

Kalaunan sa kanilang pag-uusap nabanggit ni Alex ang pangalan ni Heart Evangelista. Sinigundahan naman ito ng celebrity doctor at ibinahagi ang umanong pang-iisnab nito sa kanila sa Milan.

“Pero hindi tayo pinansin ni Heart sa fashion event. Hoy Heart!” pag-aalala ni Doktora.

Hirit naman ni Alex, “Oy ano ‘to mars? Sa Manila magkakaibigan tayo. Mars, nanood ako ng ‘Luna Mystika,’ mars. Nanood ako ng Hiram!”

Ang tinutukoy ni Alex ay ang mga teleserye noon ni Heart sa ABS-CBN.

“Mars, we’re on the same fashion show hindi ka man lang nag-‘hi.’ ‘Di ba nandoon kami sa Gucci, front row din tayo ‘di ba?” birong panunumbat naman ni Vicki kay Heart Evangelista.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo