Huli Cam! Barbie Imperial Inupakan Si Debbie Garcia Dahil Kay Diego Loyzaga!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


 Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang CCTV footage kung saan makikitang inupakan ni Barbie Imperial ang baguhang sexy actress na si Debbie Garcia.

Nauna nang naibalitang nililigawan ngayon ng dating kasintahan ni Barbie Imperial na si Diego Loyzaga si Debbie.

Ayon sa mga nakasaksi at base na rin sa CCTV footage, kinalmot ni Barbie si Debbie. Sa isang panayam, ipinakita ni Debbie ang mga sugat mula sa kalmot ni Barbie Imperial. Buo na din umano ang loob ni Debbie na magsampa ng kaso laban kay Barbie dahil sa pananakit nito sa kanya.

Samantala, kumakalat din ngayon ang larawan kung saan may pinipirmahang document si Debbie. Tila ito ang kanyang statement sa pananakit sa kanya ni Barbie.

Ayon kay Debbie, kinalmot siya ni Barbie noong byernes sa isang bar kung saan pareho silang gumigimik. Ayon sa kwento ng isang witness, nagpaalam si Debbie na aalis. Sinagot naman umano ito ni Barbie na buti umuwi ka na.

Pagkatapos, hinawakan ni Barbie ng mahigpit ang braso ni Debbie. Dito na nagsimula ang gulo sa pagitan ng dalawa. Hanggang sa nagmurahan at nagsakitan na ang dalawa. Agad naman umano inawat ng kanilang mga kasamahan sina Barbie at Debbie.

Samantala, ayon sa mga kwento nainis umano si Barbie kay Debbie ng malamang nakikipagdate ito sa kanyang ex na si Diego Loyzaga. Nauna na rin umanong ginulo ni Barbie si Debbie sa ibang bar noon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo