Empoy Marquez Nanginig Sa Takot Dahil Sa Prank Ni Alex Gonzaga!

Lunes, Nobyembre 21, 2022

/ by Lovely

Inamin ni Empoy Marquez na totoong nanginig siya at kinabahan sa pagpa-prank ni  Alex Gonzaga.

Ayon kay Empoy totoong kinabahan siya ng sungitan at daragdaragin siya ng isang lalaki sa parking na kasabwat pala ni Alex sa pagpaprank sa kanya. Talagang nanginig umano ang kanyang likod sa nangyari.

Buong akala ni Empoy na magiging normal na bodyguard lamang siya ni Alex sa pagkakataong iyon. Wala din umano siyang kaalam-alam na siya pala ay pinaprank na ni Alex.

May isang lalaki na pinakiusapan ni Empoy na umalis dahil nakatayo ito malapit na pinagparkingan ni Alex, ngunit hindi  nito nagustuhan ang pagpapaalis ni Empoy at nagalit ito. Agad namang may lumapit na security guard at inawat ang lalaki dahil hindi rin nito alam na isang malaking prank lamang ang lahat.

Samantala, tina nakahinga naman ng malalim si Empoy matapos malamang isang malaking prank lamang ang lahat.

 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo