Dennis Padilla Nais Makipag-ayos Sa Mga Anak Kay Marjorie Bago Magpasko!

Miyerkules, Nobyembre 30, 2022

/ by Lovely

Agad nakarating sa aktor na si Dennis Padilla ang pahayag ng anak na si Leon Barretto na handa ito makipag-ayos sa kanya sa tamang panahon.

Kaya naman sa isang panayam nitong November 30, ipinahayag ni Dennis Padilla ang labis na pangugulila sa mga anak. Nais din umano nitong makipag-ayos sa kanyang mga anak bago pa man magpapasko.

Inamin din ni Dennis na masakit sa kanya ang desisyon na iwan ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon noong naghiwalay sila ni Marjorie Barretto.

“Julia was ten years old then, si Claudia, eight years old, at si Leon, three going four years old. Kapag naghiwalay kayong mag-asawa, masakit yun, pero ang mas painful part, yung mahihiwalay ka sa mga anak mo. Pero yung mawalan ka ng communication sa mga anak mo, torture talaga. Torture yun kasi hindi ko na sila nakakausap,” pahayag ni Dennis sa isang panayam.

Aminado din naman si Dennis na minsan ay napagtaasan niya ng boses ang mga anak sa pag-uusap nila sa telepono dahil sa frustration. Subalit, kailanman ay hindi umano siya nagtanim ng galit sa mga ito.

Matatandaang nabash kamakailan si Dennis Padilla dahil sa mga hirit nito para sa mga anak. Gayunpaman, ayon kay Dennis naiintindihan niya ang pinanghuhugutan ng ilang bashers.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo