Debbie Garcia Itinangging May Relasyon Sila Ni Diego Loyzaga!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely

 

Nagbigay ng pahayag ang Vivamax sexy star na si Debbie Garcia hinggil sa kumakalat na balita na kaya siya inupakan ni Barbie Imperial ay dahil sa relasyon nila ni Diego Loyzaga na dating karelasyon ni Barbie.

Sa panayam ng reporter na si Mj Marfori, sinabi ni Debbie na wala silang romantic relationship ni Diego Loyzaga at magkaibigan lamang sila. Matatandaang nagkasama sina Diego at Debbie sa sexy-drama movie na pinamagatang The Wife under Vivamax.

Ayon kay Debbie, “We’re not together po. We’re friends po. Magkaibigan po kami ni Diego.”

Samantala, buo ang loob ni Debbie dahil agad umano siyang nakakuha ng medical certificate at nakapagpablotter. May mga witness din umano siya na makakapagpatunay na walang katotohanan ang kumakalat na tsismis tungkol sa umano'y pang-aagaw niya kay Diego Loyzaga.

Pinabulaanan din ni Debbie ay pahayag ni Xian Gaza na kaya siya pinisikal ni Barbie Imperial ay dahil sa pagpo-provoke niya rito.

“Never po. Wala po akong any intention na ganoon kasi lahat po ng mga kaibigan ko nandoon. Ang saya saya po namin noong night na ‘yun. Lahat nga po masaya kasi wala nang tensyon, and nasa iisang table kami. So wala talaga. We didn’t expect it.”

Dagdag pa ni Debbie, lumapit lamang siya kay Barbie upang makipagbeso-beso.

“Tao akong lumapit sa kanya. Bebeso lang ako. Siyempre courtesy ‘no, pagdating niya nauna ako doon. I said hi kasi hindi naman tayo bastos. Noong pauwi ako ang plan ko lang is to say bye to everyone kasi mga kaibigan ko po ‘yon, business partners."

Laking gulat na lamang umano niya nang ganoon ang naging reaction ni Barbie Imperial. Gayung mabuti naman ang kanyang intensyon.

Samantala, hanggang ngayon ay nanahimik pa rin ang kampo ni Barbie Imperial.

@mjmarfori #fyp #debbiegarcia #barbieimperial #entertainmentph #showbiznews #mjmarfori ♬ original sound - Mj Romualdez Marfori

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo