Cristy Fermin Sinabing Hindi Simple Ang Delusion Ng Mga AlDub Fans!

Huwebes, Nobyembre 10, 2022

/ by Lovely


 Sa episode ng programa nina Cristy Fermin at Rommel Chika, napag-usapan nila ang tungkol sa pagiging delusional ng ilang mga AlDub Fans.

Matatandaang sa isang panayam kay Maine Mendoza, sinabi ng aktres nabo-bother na siya sa ilang mga delusional fans ng AlDud na ipinagpipilitan umanong kasal na siya kay Alden at nagkaroon sila ng kambal anak.

Ayon kay Manay Cristy Fermin, hindi na simple ang pagiging delusional ng ilang mga fans. Pinayuhan din niya sina Maine at Alden na humingi na ng professional help.

“Tama 'yung mga natatanggap nating komento na, 'Ay hindi na simple 'to. Hindi na pwedeng sabihin na basta-basta 'to. Ibang klase na 'to,” pahayag ni Cristy Fermin.

Dagdag pa ni Manay Cristy, “Opo, dapat na talaga nagpapatingin tayo kapagka ganyan. Na alam naman natin walang anak si Alden at si Maine at hindi sila naging mag-asawa at hindi magiging mag-asawa, pero pinaniniwalaan pa rin natin. Iba na po ito.” 

Samantala, hanggang ngayon ay marami pa rin ang naniniwalang pilit lamang na tinatago nina Maine at Alden ang pagiging husband and wife ng mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo