Boy Abunda Magbabalik Na Sa GMA7!

Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag ang sikat na talk show host na si Boy Abunda sa kanyang pagbabalik sa Kapuso Network.

Isa sa mga nawalan ng show matapos ang pagpapasara ng ABS-CBN si Boy Abunda. Kaya naman sa isang panayam inamin niya na nais na niyang makabalik muli sa pagtatrabaho sa telebisyon. Bagama't patuloy pa rin ang kanyang pag-iinterview sa ilang mga artist sa pamamagitan ng kanyang YT channel iba pa rin umano kapag nasa telebisyon siya.

Sa nasabing panayam, inamin din ni Boy Abunda na bukas siya sa paglipat sa ibang mga TV network. Partikular na sa GMA7 kung saan siya nagsimula. Ayon kay Boy Abunda, wala namang masama kung babalik siya sa kanyang pinagmulang channel na siyang humubog sa kanya bilang isang magaling na host.

Samantala, inamin naman ni Boy Abunda na wala pa siyang active contracts ngayon sa alinmang TV network.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo