Arjo Atayde Nais Ilihim Sa Publiko Ang Detalye Ng Kasal Nila Ni Maine Mendoza!

Lunes, Nobyembre 21, 2022

/ by Lovely


Matapos ang pagbabakasyon sa Amsterdam nina Arjo Atayde at fiance nitong si Maine Mendoza, nagbabalik trabaho na ngayon ang aktor-politician.

May naganap na music festival si Arjo para sa mga kabataan bilang pagdiriwang sa kanyang kaarawan. Malapit na ring mag-umpisa ang inaabangan niyang serye na 'The Cattleya Killer' at ang pelikula niyang 'Topak'.

Samantala sa isang panayam, naitanong kay Arjo Atayde kung may napili na ba silang venue at petsa sa kanilang pagpapakasal.

Ayon kay Arjo ang anumang detalye ng kanilang pagpapakasal ay nais niyang sila na lamang ni Maine ang makakaalam.

Matatandang, Hulyo nitong taon naganap ang bonggang wedding proposal ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo