Andrea Torres, Natatangi Ang Galing Bilang Sisa!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely


Puring-puri ng mga netizens ang pagganap ni Andrea Torres bilang Sisa sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra sa GMA7.

Si Sisa ay isa sa mga karakter sa isinulat na nobela ng pambansang bayani na si Jose Rizal, ang Noli Me Tangere. 

Agad na nagtrending sa social media ang videoclip kung saan makikita ang paghihinagpis ni Sisa dahil sa pagkakawala ng kanyang mga anak na sina Crispin at Basilio. Marami ang bumilib at napahanga kay Sisa ng banggitin niya ang iconic line ni Sisa.

"Crispin, Basilio ang mga anak ko."

Samantala, marami ang nagpapasalamat sa GMA7 dahil sa pagpapalabas nito sa nasabing teleserye dahil mas naintindihan umano nila ang bawat karakter ng kwento, lalong-lalo na ang karakter ni Sisa.

Tweet ni Atty. Gideon Pena, “People remember her insanity. But they often forget what drove her to madness. Thank you @gmanetwork and @andreaetorres for letting people see that the story of Sisa is not something to laugh at. May we not be the reason why someone falls off the ledge.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo