Pulis Officer Witness Sa Kaso Ni Deniece Cornejo Laban Kay Vhong Navarro!

Martes, Oktubre 18, 2022

/ by Lovely


Kahapon, October 17, 2022 naganap ang second bail hearing ni Vhong Navarro laban sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo.

Ayon sa mga naglabasang ulat, isang pulis officer ang tumistigo laban kay Vhong Navarro at nagpapatunay sa claims ni Deniece sa naganap na second bail hearing kahapon October 17, 2022 sa Taguig Trial Court Branch 069.

Isa umano sa mga police officer si Master Sgt. Rolly Laureto sa mga naka-duty sa Southern Police District kung saan pinermahan ng bugbug saradong Vhong Navarro ang blotter na inaamin niya ang panghahalay kay Deniece Cornejo sa condo unit nito sa Taguig.

Ayon pa kay Laureto, kusang pinirmahan ni Vhong Navarro ang blotter at hindi ito binantaan ninuman. Dagdag pa ni Laureto, wala si Deniece Cornejo sa Police Station ng pinirmahan ni Vhong Navarro ang blotter at nasa ibang lugar ito.

Matatandaang naunang pinresent ng kampo ni Denice Cornejo si Cedric Lee bilang unang witness nila laban kay Vhong Navarro.



( Hide )
  1. Wow!! Parang teleserye lang... may bagong character na sumulpot. Pang ilang season na ba yan, 3rd or 4th season?

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo