Ms. Grand International Ni Mr. Nawat Hindi Sinusuportahan Ng Mga Pageant Fans?

Martes, Oktubre 18, 2022

/ by Lovely


Mainit na usapin ngayon sa mundo ng pageantry ang tila paglalarawan ni Mr. Nawat Itsaragrisil na mga toxic ang mga Filipino pageant fans.

Sa naganap na closed door interview kay Miss Grand International Philippines Roberta Tamondong, tinanong ni Mr. Nawat si Roberta kung ano ang kanyang reaction na tila hindi siya sinusuportahan ng kapwa niya Pilipino sa pageant.

Tila ipinapalabas ni Nawat na walang nang pagsuporta sa kanyang pageant ang mga Pilipino. Makikitang kaunti lamang ang nakukuhang boto ni Roberta sa mga online voting platforms. Hindi umano ito katulad noon na ang Pilipinas ang nangunguna sa pagsuporta sa mga kandidata na ipinapadala sa MGI.

Subalit, positibo pa rin ang sagot ni Roberta at sinabing, hindi big deal para sa kanila kung wala siyang nakukuhang suporta mula sa tao. Mas naka-focus umano siya sa pagpeperform ng maayos at sa paggawa sa mga task na ibinibigay sa kanila ng MGI organization.

Samantala, hindi naman sa walang suporta kay Roberta Tamondong tila nagsasawa na lamang ang mga Pilipino dahil sa mga naganap noong nakaraang MGI pageants. Tila sinasadya kasi umano ng MGI na hindi ibigay ang korona sa mga kandidata mula sa Pilipinas sa kabila ng kagalingan ng mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo