Kim Chiu, Hindi Ibebenta Ang Pinagba-b4ril Na Van! Nagsalba Ng Buhay Niya!

Lunes, Oktubre 31, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng Chinita Princess sa kanyang mga followers sa kanyang latest vlog ang tour sa kanyang van na nagkaroon ng major upgrade.

Masayang pagbabahagi ni Kim bilang caption ng kanyang vlog, “Hello hello hello, everyone!!! Yes!!! We’re back in the Philippines! Back to regular programming na tayo dito sa aking channel. Samahan ninyo ulit ako for another tour. Tour ulit! Pero hindi ito travel tour. This is our mini VAN TOUR 2022! Yes! Bagong customized ang work van ko kaya excited ako na makita ang ginawa ng team ni Atoy Customs. For today’s video, let me take you to an exclusive tour of my newly upgraded van. Tara! Sakay na!”

Sa kanyang vlog makikita ang bonggang work van na ginagamit ni Kim sa pagtatrabaho.

Samantala ang costumized work van na ipinakita ay ang kaparehong van na sinakyan ni Kim noong 2020. Kung saan pinagbabaril sila ng kanyang driver dahil sa mistaken identity.

Bagama't nagdulot umano ng malaking trauma sa kanya, hindi ito ibinebenta ni Kim dahil ang van din ang nagligtas sa buhay nila. Matatandaan na sa kabila ng tinadtad ng bala, hindi pa rin nasaktan si Kim at ang kanyang driver.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo