Relasyon Nina Enrique Gil at Liza Soberano, Nanganganib?!?

Sabado, Hulyo 9, 2022

/ by Sparkle

 

Pinangangambahan ng mga supporters nina Enrique Gil at Liza Soberano ang paglipat ng management ni Liza kay James Reid.

Baka ito daw ang maging mitsa ng hiwalayan ng dalawa. Bagama't nilinaw na ni Liza na wala namang dapat ikabahala o ikatakot dahil hanggang ngayon ay sila pa rin at nagmamahalan silang dalawa.

Ipinagdiinan pa ni Liza na suportado ni Enrique ang paglipat niya. Ngunit dahil magkaiba na sila ng management at lagi na ngang magkasama sina James Reid at Liza ay baka humantong daw sa hiwalayan ang relasyon nilang dalawa.

Sa ngayon ay nasa Korea sina Liza at James kaya naman muli na namang humirit ang mga marites at binigyan ng malisya ang pagpunta ng dalawa sa Korea.

Ayon naman sa ilan, natural na magkasama sila dahil may inaayos na deal si James sa isang production company roon.

Si James nga ang record label owner, producer kaya malamang na music ang pakay nila sa Korea. Maaaring inaalok ni James si Liza para makipagcollab sa mga Koreans star o makakuha ng endorsement doon o acting project.

Tiyak na marami pang trip abroad sina James at Liza dahil alam naman natin na ang tinatrabaho nila ay ang magkaroon si Liza ng international career. 

Nananatili namang matatag ang LizQuen sa kanilang relasyon kaya wala daw dapat ikabahala ang kanilang mga tagahanga. 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo