Senator Bong Revilla nagreact sa grupo na nais pabagsakin ang bagong uupo Pres. na si BBM

Lunes, Mayo 23, 2022

/ by Lovely


Nanawagan si Sen. Bong Revilla sa mga nagsasalita ng kung ano-ano kay Presumptive President Ferdinand Marcos Jr. na bigyan umano ito ng pagkakataon makapaglingkod sa ating bansa bilang pangulo dahil ito ang napili ng 31 million Filipinos. 

Nagsisilbing culture person ng LAKAS-CMD Party si Sen. Revilla na sumusuporta sa pagtakbo ni Bongbong Marcos sa pagkapangulo. Sinabi niya na mahigit 31 million na boto ang nakuha ni BBM at makikita rito na ito talaga ang pinili ng mga mamamayan. Dagdag pa ng senador, na nakakalungkot na hindi pa man nagsisimula ang termino nito ay mayroon ng naghihintay na papalya ito. Hinimok din ni Sen. Bong Revilla ang mga taong bayan na suportahan ang mga lider na namumuno sa ating bansa. 

Komento naman ng ibang mga netizens na susuportahan nila ang bagong administration at may nagsasabi pa na tiyak na magtatagumpay ito. Lalo na't ang namumuno sa bagong administrasyon na ito ay sina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Marami rin sa mga Pilipino ang naniniwala sa kakayahan ni Bongbong Marcos tulad na lamang ng ama nito na si Ferdinand Marcos Sr. na matalino ngunit may pagmamahal para sa bayan. Dagdag pa ng ilan na ang talino at compassion ni BBM na tulad ng kanyang ama ang magiging dahilan na maging greatest asian country ang Pilipinas at makikilala sa buong mundo.

Naniniwala rin ang iba na, 'Bongbong Marcos will make our nation great again.' Sabi pa ng iba na naiinggit lamang umano ang iba sa taglay na talino, galing at pagmamahal nito para sa ating bayan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo