Julia Barretto pinagsabihan si Joshua Garcia, 'wag ka munang mag-girlfriend

Lunes, Mayo 23, 2022

/ by Lovely



Julia Barretto pinayuhan si Joshua Garcia na huwag munang makipagrelasyon. Aminado si Julia Barretto na nakakapag-usap pa rin sila ng kanyang ex boyfriend na si Joshua Garcia. 

Naibahagi niya sa interview niya with Boy Abunda na pinayuhan niya si Joshua na huwag munang makipagrelasyon. Sa pananaw umano niya makakasagabal lamang ang pakikipag-relasyon sa showbi career ni Joshua. Gusto umano ni Julia na ma-enjoy muna ng dating karelasyon ang paglago ng showbiz career nito. Hindi din ipinagkaila ni Julia Barretto na bukas pa rin ang komunikasyon nila.

Ayon pa kay Julia Barretto hindi pa umano ito ang tamang oras para makipagrelasyon ang binata. Isa pa sa naa-appreciate ni Julia kay Joshua ay ang pagrerespeto nito sa bagong boyfriend niya na si Gerald Anderson.

Si Julia Barretto ay isang actress na nagmula aa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ng batikang actress na si Marjorie Barreto at Dennis Padilla. Pamangkin siya nina Gretchen at Claudine Barretto. Sa kabila ng negatibong reaction ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicky Belo ang picture nila ni Hayden kasama sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Para naman kay Gerald ay parang nabunutan siya ng tinik ng aminin nila ang kanilang relasyon ni Julia. Matatandaang naging controversial noon ang pag-amin nila sa kanilang relasyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo