Pinapalayas na! Jolina Magdangal nagmukhang kawawa sa video niya kaugnay sa pangingibang bansa

Lunes, Mayo 23, 2022

/ by Lovely

 

Pinagtatawanan ng mga netizens ngayon ang video ni Jolina Magdangal na muling kumakalat ngayon sa social media. Kung saan bahagi ng pahayag niya ay patungkol sa plano niyang pangingibang bansa dahil gusto umano niyang masiguro ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Marami sa mga netizens ang hindi nasiyahan sa naging pahayag na ito ni Jolina. 

Kung saan tila sinasabi na rin niya na wala siyang tiwala sa ibang kandidato kundi sa tandem lamang nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan. Nasabi din niya sa video na handa siyang sumama sa mga rallys para ilaban ang mga sinusuportahan niyang mga kandidato sa kadahilanang bilang nanay daw ay gusto lang niya ng magandang kinabukasan para sa kanyang mga anak.

Ngayong may nagwagi na sa halalan, ito at walang iba kundi si Bongbong Marcos at Sara Duterte ay naisipan muli ng ilang mga netizens ang mga pahayag na ito ni Jolina Magdangal na may kaugnayan sa pag-alis nito sa Pilipinas at sa ibang bansa na lamang maninirahan.

Ngayon natalo na ang sinusuportahang kandidato ni Jolina Magdangal na sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan ay dapat umanong totohanin ng TV host at aktres ang tila pagbabanta niya na mangingibang bansa kapag hindi ang kanyang mga sinusuportahang kandidato ang mananalo. 

Wala naman umanong dapat ipag-alala si Jolina kahit pa kailan nito gustong umalis ng bansa dahil bukas naman umano ang lahat ng airports para sa kanya at sa buo niyang pamilya. Wala rin naman umanong pipigil sa kanya kung sakaling gagawin niya ito.

Pagsasaad pa ng ilang mga netizens ay mas makakabuti pa umano kung ang isang tulad ni Jolina ay lumayas na ng Pilipinas para mabawasan na ang mga naglalayong pabagsakin si BBM. Dagdag pa ng ilan na isama na rin sana ni Jolina ang mga taong katulad niya mag-isip.

Sagot naman ng ilang mga netizens kay Jolina patungkol sa usaping kinabukasan ng mga anak ay ipinaglalaban din ng 31 million BBM supporters ang kinabukasan ng kani-kanilang mga anak at nakikita nila kina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang magandang kinabukasang ito at hindi sa alagad umano ng dilawan na sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan. Hindi na rin umano dapat ipilit pa ni Jolina at iba pang mga kakampinks sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan dahil kitang-kita naman kung sino talaga ang napili ng nakakarami.

Ngayon tapos na ang election, panawagan ng mga netizens na nakapanood sa video ni Jolina ay umalis na umano ito sa Pilipinas katulad sa sinabi niya sa video para mapatunayan sa lahat na hindi lang parte ng drama niya ang pahayag niyang iyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo