Nasita ng guard si Andrea Brillantes matapos makipag-PDA kay Ricci Rivero!

Lunes, Mayo 23, 2022

/ by Lovely

Andrea Brillantes at Ricci Rivero OA na nga ba ang ka-sweetan?

Halos langgamin dahil sa pagiging sweet ang magkasintahang Ricci Rivero at Andrea Brillantes noong May 22, 2022. Sobra ang lambingan ng dalawa sa naganap na event ng Star Magic Artist. Kalahok si Andrea sa isang volleyball game. 

Matapos ang kanilang laro at itinanghal na panalo, tumakbo kaagad si Andrea papumta sa kanyang boyfriend na nasa bench ng court at yumakap rito. Ngunit bigla na lamang silang nilapitan ng guwardiya at sinita ang kanilang paglalambingan.

Mukhang naalerto ang guwardiya at hindi inakala na boyfriend pala ng aktres ang kanyang nilapitan. Nakunan naman ng video ang kaganapang iyon at ipinost sa isang Facebook page. Makikita din sa nasabing video na tila kinukwestiyon ni Andrea ang guwardiya.

Tinatanong niya ito kung bawal ba ang ginawa nila ni Ricci. Inulan naman kaagad ng maraming komento ang videong ito.

Komento ng ilang mga netizens na napaka-OA umano ni Andrea at tila ba kumakapit para hindi umano siya matulad sa bola na madaling bitawan. May nagsasabi na ayaw pa umanong bumitaw ni Andrea kahit tila tinatanggal na ng lalaki ang yakap.

Samantala, may mga nagtatanggol din naman kay Andrea Brillantes at nagsasabing pabayaan na lamang ito sa kanyang mga ginagawa dahil buhay naman umano niya ito at doon siya masaya. Dagdag pa nito na huwag masyadong maging mapanghusga at pabayabaan na lamang ito sa kanyang gusto.

Marami sa mga tagahanga ng dalawa ang natutuwa at kinikilig sa sweetness  na ipinapakita ng mga ito sa isa't isa. Marami man ang naiinis at nan-iintriga sa kanilang relasyon ay masisiguro naman na suportado nila ang bawat isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo