L4got! Pinatulan Ni Blythe Ang Babaeng “Pinusuan” Umano Ni Ricci Rivero! Ricci, Hindi Magpapaagaw!

Biyernes, Mayo 6, 2022

/ by Sparkle


Nagbigay ng kanyang reaction si Andrea Brillantes patungkol sa pagpuso ng boyfriend na si Ricci Rivero sa ibang babae. 

Usap usapan ngayon sa social media ang post ng isang netizen patungkol kay Ricci. Sa nasabing post makikitang nag-heart react si Ricci sa sexy photo ng isang babae. Kaya naman tanong agad ng marami kung kumusta naman daw si Andrea matapos kumalat ang isyung iyon. 


Noong una ay deadma lamang ang kapamilya actress ukol sa nasabing issue. Pero sa kanyang burado na ngayong tweet ay nagsalita ang aktres. Aniya,

"OMG. Ganito pala pag may bf kang gwapo na basketball player?? daming girls na gustong manira hahaha go lang secured ako."

Ni-retweet naman ito ni Ricci at may kasama pang panunuya at sinabing,

"Ahahhah di siguro pinapansin sa bahay"

Sa kanyang Instagram story ay pinagdiinan din ni Ricci na edited lang ang viral photos. Aniya, hindi daw niya iyon gagawin at proud din daw niyang ipangalandakan na mas sexy umano ang girlfriend niya kaysa sa babaeng nagpapakalat ng isyu. 

Sa isa pang Tweet ni Andrea ay inihikayat ng dalaga ang kanyang mga followers na panoorin na lamang ang campaign video na kanyang ginawa kaysa tumutok daw sa mga fake news. Saad ni Andrea,

"Good afternoon sa inyong lahat. Imbes na gumawa ng mga issues at maniwala sa fake news, sana panoodin niyo na lang po ang small campaign na ginawa ko for Vp Leni Robredo."

Umani naman ng samu't saring mga reaction ang ginawang pagsagot ni Andrea Brillantes patungkol  sa isyung kinasasangkutan ng boyfriend na si Ricci Rivero.

"Ganyan talaga pag sikat din ang karelasyon mo, kung gusto mo ng peace of mind, dapat hindi sikat o showbiz personality ang e bf mo, just saying lang if you agree, if or not ok, go on."

"Be matured Andrea, napagdaanan ko na yan dati. Sa huli, maghihiwalay din kayo niyan kahit niligawan ka pa in public, wag masyado assuming na kayo hanggang sa huli kasi relate na relate ako sa pinagdadaanan mo ngayon sa bf mo."

"Naku, wag mo masyado higpitan, pag nasakal yan kusang lalayo yan. Remember, di pa kayo kasal. Mag-asawa nga naghihiwalay, kayo pa kayang bagong gf-bf pa lamang. Be kind, remember, nang makilala mo siya yan na ang nature of work niya, kaya dapat adjusted ka na. Adjust your behavior or else di kayo magtatagal."

Nauna nang sinabi ni Ricci Rivero na edited lamang ang nasabing picture.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo