Gretchen Barretto itinigil ang pagsusustento kay Claudine Barretto ayun kay Nanay Cristy!!Alamin ang detalye!!

Miyerkules, Pebrero 16, 2022

/ by Lovely

Sa episode ngayon ng Cristy Ferminute, si Cristy Fermin ay nagkaroon ng nakakaintriga na talakayan tungkol kina Gretchen at Claudine Barretto. Ayon sa diskusyon ng veteran showbiz columnist sa kanyang co-host na si Romel Chika, buwan-buwan nang nagbibigay ng pera si Gretchen kay Claudine ngunit kamakailan ay nagpasya ang una na ihinto ang pagbibigay ng tulong sa kanyang nakababatang kapatid. 
"Naku, eto na, nakakapanghinayang naman kung hindi na matutuloy ang 500k na buwanang sustento sana ni Gretchen Barretto kay Claudine," sabi ni Romel.
Sinagot naman ni Nanay Cristy,
“Alam mo matagal nang kwento 'yan e. Matagal nang kwento 'yan na itong si Claudine dapat ay bibigyan na lamang ng buwan-buwan na sustento ni Gretchen Barretto dahil wala ngang trabaho.”
 
“Pagkatagal-tagal na panahon nang walang trabaho at dinema-demanda pa si Raymart Santiago para ibigay 'yung kung magkanong hinihingi niya. E kaso, binasura ng korte, ang sabi ng husgado, kung ano ang kayang ibigay ni Raymart, 'yun lang ang pagkasyahin sa mga bata.”
“So syempre, dahil kakamping-kakampi niya ang Ate Gretchen niya dati, hindi pa ito 'yung nagkakabati na sila ni Marjorie ah, hindi ito, matagal na panahon na ito, natural naaawa si Gretchen sa kanyang younger sister. Na dapat ay bibigyan na lamang niya ng sustento pero itinigil ni Gretchen. Bakit kaya, Romel?”
"O may nalaman si Gretchen na hindi kaiga-igayang ginagawa ni Claudine kaya nagbago isip niya?"pag-aassume ni Nanay Cristy.

Si Claudine Margaret Castelo Barretto, na mas kilala bilang Claudine Barretto, ay isang Filipino film and television actress, product endorser at businesswoman. Ipinanganak siya noong July 20, 1979 sa Maynila sina, Miguel at Estrella Barretto ang kanyang mga magulang.

Ang pagdiriwang ng Bagong Taon ng pamilya Barretto ay nagpainit sa puso ng maraming netizens. Sa isang viral na larawan, nakita sina Marjorie at Claudine Barretto na magkasamang sumalubong sa taong 2022. Makikita sa larawan na nagpa-pose sila sa camera kasama ang kanilang ina na si Estrella Castelo Barretto o Mommy Inday, ang iba pa nilang kapatid, at ang kani-kanilang mga anak. Pagkatapos ay ipinahayag ng kanilang mga tagasuporta kung gaano sila natuwa na makita ang mga magkapatid na babae sa isang frame.


Kamakailan lang, ibinahagi ni Ogie Diaz na binanggit ng isa sa kanyang source si Gretchen na nagbibigay raw ng financial support kay Claudine. Gayunpaman, hindi umano natuloy ang financial support ni Gretchen nang magdesisyon si Claudine na tumakbo sa pulitika. Sa kabila ng diumano'y balita, sinabi ni Ogie na mahal na mahal pa rin nina Claudine at Gretchen ang isa't isa.

Watch Full Video Here:



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo